Tinapos na namin ang pagkain ng dinner kaya't tumambay muna kami sa dalampasigan para tignan ang nagniningning na bituin sa kalangitan. Hindi pa kami inaantok dahil kagigising lang namin kani-kanina. Si Gray, tulog pa rin."Thank you for making me happy, Wife," sabi ni sir Rommel na may ngiti sa labi. Ngumiti rin naman ako sa kaniya. "Dito pa lang nagsisimula ang lahat. Buong pagmamahal ko sa inyo ni Gray, lahat 'yon, ibibigay ko. Ipagkakaloob ko sa inyo.""Ginagawa mo na 'yan sa 'min. Wala ka ng dapat patunayan pa," sagot ko."Matanong ko lang kung... ano ba ako noon? Gusto kong malaman kung ano ang dating Rommel."Sandali ko siyang tinignan at binigyan ng tipid na ngiti. "Ibang iba ka noon kaysa ngayon. Dati, lahat, kaaway mo. Lahat na lang, problema mo. Kaya nga wala ni isa ang gustong makipag-usap sa 'yo, e," paliwanag ko."Nagwawala ba ako dati? Basagulero?" curious niyang tanong."Hindi naman, pero sa singhal mo, daig mo pa
Read more