"Call him pa... pa. Okay? Pa... Pa."Kanina ko pa pinauulit-ulit sa anak kong si Gray ang dapat niyang tawagin kay sir Rommel. Lumaki siyang walang ama kaya hindi niya nasasabi ang gano'ng salita."Pap—Mama..."Napakamot ako sa ulo ko."Hindi po. Say Pa... pa. One more, pa... pa. Not Mama. Pa... pa," pag-uulit ko pa sa anak ko pero nakatingin lang siya sa 'kin.Siguro, iniisip na nitong anak ko na para akong tanga."Anak, kailangan mo po 'yong sabihin. Kapag namali ka, masasayang lahat ng plano ko para sa future mo," sabi ko sa anak ko pero hindi pa rin niya ako pinapansin.Hay! Minsan, hindi ko maisip kung saan nagmana 'tong si Gray, e."H'wag mo na siyang piliting tawaging Papa si Kuya. Masasanay rin naman siya kalaunan," dinig kong sabi ni Camille habang pumapasok dito sa loob ng kwarto."E mahirap na, e. Baka mamaya, magtaka pa si sir Rommel," sagot ko."Hindi 'yan. Nakikita kong matalino s
Read more