Napatakip sa bibig si T'yang sa nalaman."Alam ba niya na—""Hindi," sagot ko agad. "Walang ibang nakakaalam na siya ang ama ni Gray, maliban sa 'ting dalawa. At ayokong lumabas pa ang tungkol doon.""Ha? Ano ka ba, Gracia? Mayamang pamilya sila, hindi ba? Bakit ayaw mong ipaako? Kahit na ipa-DNA pa nila ang bata, makikita nilang kadugo nila siya. Magmamana si Gray nang kayamanan nila."Tss... ito na nga ba ang sinasabi ko."Hindi ko po kailangan ng yaman nila, T'yang. At hindi na rin kailangan pa'ng makilala ni Gray na si sir Rommel ang ama niya. Ngayon, kapag bumalik na ang alaala ni sir Rommel, makukuha ko ang malaking halaga ng pera mula sa mga magulang niya. Sapat na 'yon para gumanda ang buhay natin at makapag-aral si Gray. Kaya pakiusap ko sa 'yo na h'wag kang masyadong maingay. Ganito, kunwari, matagal na kaming kasal ni sir Rommel. Basta gano'n. Paniwalain natin siya na matagal na kaming kasal. Hayaan mo, may parte ka rito."Dahil sa pera, wala namang pag-aalangang nag-agree
Read more