[Who's The Real Boss?]''BOSS! Boss!''Nabaling ang atensiyon ng apat na nasa loob ng meeting room sa kahabaan ng glass wall kung saan ay sinundan nila ng tingin doon ang sumisigaw at tumatakbong lalaki na ilang beses nang muntik sumubsob sa sahig dahil sa pagmamadali nito sa pagtakbo.''Boss! Boss!''Marahas na bumukas ang pinto at habol sa paghinga ang lalaki na napatukod pa ang dalawang kamay sa mga tuhod nito.''Ano ba, Albert?'' asik ni Lucio. ''Hindi mo ba nakikita na may meeting kami rito?''''Boss...'' Sumagap muna ito ng hangin, ''May malaking problema tayo.''''Sino bang walang problema, ha? Lumabas ka nga rito!''''Boss, importanteng marinig niyo ang dala kong balita. Kailangang- ''''Labas!''''Pero, boss...''''Gusto mong tanggalin kita sa trabaho at huwag na uling patapakin sa kompanyang ito?''''Nandito si Mr. Villamerez!'' deretsong anunsiyo ni Albert bago pa man muling putulin ang pagsasalita nito.Napakunot ng noo si Lucio. ''Sino?''''Ang 'big shot' nating kliyente.
Magbasa pa