Celine's POV Gusto kong lamunin ako ng lupa at ibaon sa pinakamalalim na bahagi ng crust ng mundo. Axel, sa lahat ng pwedeng ituro sa iyo ng internet o ng mga kalaro mo, bakit match-making ang napili mong skill? Tumitig ako nang masama sa anak ko, pero ang anak ko, abala lang sa pagkain ng kanyang cheeseburger. Samantalang ang lalaking nasa harap ko... he had the audacity to smirk. Yung ngiting dati ay nagpapabilis ng tibok ng puso ko, pero ngayon, nagpapabilis lang ng blood pressure ko. "Axel, eat your burger," pag-iiba ko ng usapan, ramdam ko ang init na gumagapang sa pisngi ko. "At ikaw, Mr. King, don't encourage him." "Nico, Celine. Just call me Nico like before. And I’m not encouraging him. I’m just agreeing with him," sagot niya. Sumandal siya sa upuan, ang kanyang mga mata ay nananatiling nakapako sa akin na para bang ako ang pinaka-interesanteng main course sa menu. "Besides, your son has excellent taste. He knows a good potential partner when he sees one." Nagtransf
Last Updated : 2026-06-02 Read more