Maagang gumising kinabukasan si Honey. Agad siyang nag-almusal at naligo, maaga ang klase niya ngayong araw. Pagkatapos magbihis at mag-ayos ng kaunti, nag-check muna siya ng messages. Baka may announcement na importante at makaligtaan niya, ngunit tanging ang message ni Vera ang bumungad sa kanya. Nang buksan niya ito ay kumunot ang noo niya, tanging link lang ang message nito.“Well, she was just seventeen,You know what I mean,And the way she looked was way beyond compare,So how could I dance with another,Oh when I saw her standing there”Unang verse palang ng kanta ay alam na niyang ‘I saw her standing there’ ng The Beatles ang kanta, kaya lang natigilan siya sa lalaking kumakanta at narinig niya lang kahapon iyon.“Good morning! Look at my cute little brother, isn’t he amazing?”Basa ni Honey sa kalakip na mensahe ni Vera kasama ng link ng video ni Zion habang kumakanta, naka-post iyon sa confession wall ng school at kasalukuyang pinagkakaguluhan sa comment section.HONEY: Luc
Read more