Nakailang tingin na si Zion sa kanyang relo habang hinihintay ang bestfriend ng ate niya, kanina pa silang naghihintay sa western restaurant na ni-reserve nila.“Ang tagal naman ng kaibigan mo, ate. Darating pa ba yun?” Hindi na nakatiis na tanong ni Zion sa kanyang ate.“Darating yun. Maghintay pa tayo, maaga pa naman.”“Mga ilang oras pa? Nagwawala na ang mga alaga ko sa tiyan, baka hindi na sisipot yang kaibigan mo ate.”“Hindi basta nagca-cancel ng plano yun na walang valid reason, saka nagsasabi yun kung sakaling hindi makakarating.”Makaraan ang isang oras, nakatanggap ng message ang ate ni Zion, agad nito iyong tiningnan. Naghihintay naman si Zion nang update, iniisip na baka ang hinihintay nilang kaibigan ng ate niya ang nag-message. At mukhang hindi nga siya nagkamali, nagsalubong kasi ang kilay ng ate niya at medyo nalungkot.“See? Tama ako ‘no? She stood us up?”Masama ang tinging ipinukol ng ate ni Zion sa kanya.“Shut up. Mag-order kana ng pagkain, pupunta pa tayo sa cond
Last Updated : 2026-05-25 Read more