QuinnAaminin ko, sa edad na twenty-five years old ay mukha pa rin batang-bata si Daphne. Iyong klase ng mukha na kahit walang effort, walang makeup, at simpleng ngiti lang ang ibigay sa camera, siguradong makukuha pa rin ang atensyon ng mga tao.May softness sa features niya na bagay na bagay sa image niyang sweet at approachable, kaya naiintindihan ko kung bakit maraming nahuhumaling sa kanya. At kung sa itsura at katawan lang din ang pag-uusapan, wala talaga akong maipipintas. Maganda siya, sexy sa tamang paraan, at alam niya kung paano dalhin ang sarili niya.Hindi nakapagtataka na bagay na bagay sa kanya ang pagiging artista. Mukha siyang ginawa para sa spotlight, para sa mga camera, at para sa mga taong gustong-gustong tumingin sa kanya.Kilala rin siya bilang mabait, madaling lapitan, at mapagmahal lalo na sa mga fans niya. Lagi siyang nakangiti kapag kaharap ang mga ito, marunong makinig, at hindi nagdadamot ng oras kapag may gustong magpa-picture o makausap siya.Sa social me
Last Updated : 2026-08-02 Read more