QuinnSuot ko ang pangkaraniwan kong damit kinabukasan nang bumiyahe kami ni Gavri papunta sa Sterling Estate. Wala akong ginawang espesyal sa itsura ko. Simple lang ang suot kong pants, long-sleeved blouse, at flat sandals, habang nakatali sa isang maayos na ponytail ang buhok ko.Hindi naman ako pupunta roon para magpahanga sa pamilya Sterling, at lalong hindi para patunayan sa kanila na karapat-dapat akong maging asawa ni Gavri. Alam ko naman na kahit anong gawin ko ay hindi nila ako magugustuhan.Well, maliban na lang kay Lola, of course.Kung tutuusin, kung hindi lang dahil sa matanda, baka hindi na rin ako sumama.Maaga akong nagising, pero mas maaga pa sa akin si Gavri. At ang mas nakakagulat, siya mismo ang naghanda ng almusal para sa aming dalawa.Noong una ko iyong makita, hindi ko talaga napigilang mapatitig.Nakahanda na sa mesa ang pagkain nang bumaba ako, pati kape at ilang bagay na alam niyang karaniwan kong kinakain. Samantala, kumikilos siya sa kusina na para bang norm
Last Updated : 2026-08-14 Read more