Gavri“Sir,” sabi ni Ranier habang maingat kong pinupunasan ang kamay ko gamit ang malinis na basang towel. Kanina lamang ay tigmak iyon ng dugo, at kahit ilang beses na niya itong pinunasan, tila nananatili pa rin sa balat ko ang pakiramdam ng init nito.Hindi ko siya pinansin. Nakatitig lang ako sa bahaging kinaroroonan kanina ni Norman, habang mahigpit ang pagkakadiin ng panga ko.Galit ako.Hindi iyong ordinaryong inis na lilipas pagkatapos ng ilang minuto.I was fucking furious.At higit sa lahat, I felt useless.Kagaya ng unang insidente, wala na naman kaming nakuha kay Norman. Wala kaming pangalan. Wala kaming mukha. Wala kaming kahit isang konkretong lead na maaari kong sundan.Ni hindi ko magawang malaman kung sino ang nasa likod ng mga tangkang pananakit sa sarili kong asawa.Napakabihira kong maramdaman na wala akong kontrol sa isang sitwasyon. Sanay akong may sagot sa bawat problema, may taong maaari kong utusan, may resources akong puwedeng gamitin, at may paraan akong ma
Last Updated : 2026-08-25 Read more