Third PersonDahil sa paghahanap sa nawawalang anak ay bumili ng mansyon ang mga Saunders sa L.A. na naging tahanan nila habang naroon.Sa loob ng napakalawak at eleganteng dining hall ng mga Saunders, tahimik na nakahain ang isang marangyang agahan na tila karaniwang bahagi lamang ng isang normal na umaga sa loob ng isang napakayamang pamilya.Mahaba ang dining table na gawa sa mamahaling dark wood, habang ang mga silverware at crystal glasses na maingat na nakahanay sa bawat puwesto ay kumikislap sa ilalim ng malambot na liwanag na pumapasok mula sa malalaking bintana.Kumakalat sa buong silid ang nakaka-relax na amoy ng bagong timplang kape, toasted bread, buttery croissants, bacon, sausages, at iba't ibang pagkain na inihanda ng kanilang private chef. Sa unang tingin, walang anumang indikasyon na may tensiyon o problemang maaaring sumabog sa loob ng napakagandang tahanang iyon.“Daphne, dear. Come and eat with us,” nakangiting bati ni Frances nang makita ang dalaga na dahan-dahang
Last Updated : 2026-09-10 Read more