ELISA'S POV Kinagat ko ang ibabang labi nang mapatitig ako sa screen ng aking cellphone ng kuhanin ko iyon ng tumunog iyon. Nakita ko kasi na si Aling Merced ang tumatawag sa akin. At alam kong tumatawag siya dahil gusto niya akong kamustahin at alam ko na gusto din ako na makausap ng aking mga anak. Humugot naman akong malalim ba buntong-hininga bago sinagot ang tawag niya sa akin. Sana hindi mapansin ni Aling Merced ang lungkot sa aking boses. Ayaw ko kasing mag-alala siya. "Hello?" "Elisa," sambit ni Aling Merced sa aking pangalan mula sa kabilang linya. "Aling Merced, napatawag po kayo?" tanong ko kay Aling Merced kahit na may ideya ako kung bakit siya tumawag. "Mangangamusta lang, Elisa," sagot niya sa akin. "Kamusta ka na diyan?" tanong niya sa akin. "Okay ka lang ba diyan, Elisa?" Muli ko na namang kinagat ang aking ibabang labi ng maramdaman ko ang pamamasa ng aking mga mata dahil sa nagbabadyang luha. Sa simpleng pagtanong niya sa akin kung kamusta ako ay muli kong
続きを読む