ELISA'S POV "Pagkatapos mo diyan sa ginagawa mo ay itapon mo ang mga basura sa labas, Elisa," malamig na utos sa akin ni Manang Esther nang pumasok siya kung nasaan ako." Tumango lang naman ako kay Manang Esther bilang sagot sa sinabi niya sa akin. Akala ko ay si Rage lang ang may galit sa akin, mukhang lahat ng nasa mansion ay galit din sa akin. Nararamdaman ko din kasi iyon kina Manang Esther. Wala pa akong dalawang araw sa mansion pero ramdam ko na iyon sa kanila. Halos lahat kasi ng trabaho nila ay sa akin nila ipapasa. Magluto, maghugas ng pinggan at paglilinis ng mansion. Pagod na pagod ako pero tiniis ko lahat dahil alam kong may katapusan ang paghihirap na nararamdaman ko. Kailangan ko lang magtiis. At hindi ko makakalimutan ang nangyari kahapon na kung saan ay hindi nila ako tinirahan nang pagkain. Nag-kasya na lang tuloy ako sa tinapay na mayroon. Alam kong sinadya nilang hindi ako tirahan, gusto ko nga ding mag-reklamo pero saan naman ako magre-reklamo kung lahat sil
อ่านเพิ่มเติม