LAVINIA'S POV Napatingin ako sa sarili kong repleksiyon sa salamin. Nang sandaling iyon ay nakasuot ako ng simpleng puting blouse at itim na pantalon. Naka-tuck in nga ang blouse sa suot ko na pantalon. Mumurahin nga ang suot ko na sandaling iyon na hindi ko nakasanayan na isuot. Inutos ko pa iyon sa ka-close ko na kasambahay sa mansion namin na ibili niya ako ng mga ilang damit na gagamitin ko bilang pagta-trabaho. May posisyon ako sa kompanya namin. But after what happened, I decided to resign. Hindi ko din kasi maatim na makita si Mama, lalo na si Tito Eric. Baka masuntok ko pa sa mukha si Tito Eric kapag nakita ko siya. At galit pa din ako kay Mama sa pagbulag-bulagan niya sa katotohanan. Kaya nga ng palayasin niya ako ay talagang nag-alsa balutan ako. Sa totoo lang ay umaasa ako na pipigilan ako ni Mama, na hihingi siya ng sorry sa akin. Na maliliwanagan siya na hindi dapat ako ang pinapalayas niya, kundi si Tito Eric. Pero tapos na akong naka-empake wala pa din. It seemed th
Leer más