“Xavian, your vows,” tawag naman ng pastor kay Xavian.“Para sa’yo, Astrid…”Huminga nang malalim si Xavian habang nakatingin sa babae. Kita sa mga mata niya ang halo-halong emosyon; pagsisisi, pagmamahal, at pasasalamat.“Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ‘to, dahil alam kong maraming bagay akong kailangang sabihin sa’yo. At alam kong hindi sapat ang mga salita para mabawi lahat ng sakit na naibigay ko sa’yo.”Saglit siyang tumigil.“I hurt you. I made you afraid of me when I was supposed to be the person who made you feel safe. I let my jealousy and anger control me, and because of that, I almost lost you and our family.”Nangingilid na rin ang luha sa mga mata ni Xavian.“When you left, I finally understood what it meant to lose the people who mattered most to me.”Tumingin siya kay Ashton bago muling bumalik ang tingin kay Astrid.“For five years, you and Ashton lived without me. You raised our son, watched him grow, and gave him the love and life I should have been there to g
Read more