Isang umaga, nagising si Astrid sa kakaibang katahimikan. Walang ingay ng kaldero, walang tawanan ni Ashton, at wala ring paggalaw sa kabilang bahagi ng kama. Agad siyang bumangon, ang dating kaba ay muling gumapang sa dibdib, takot na baka panaginip lang ang lahat ng pagbabago, takot na baka bumalik na naman sa dati ang lahat.Mabilis siyang bumaba sa sala. Doon niya narinig ang boses ng mag-ama niya mula sa kusina.“Dahan-dahan lang, Daddy! Baka matapon!” paalala ni Ashton.“Alam ko, anak. Sinusubukan ko nga eh,” sagot ni Xavian, medyo hinihingal. “Pero bakit parang ang hirap ilagay ng harina sa timbangan?”Napangiti si Astrid at dahan-dahang sumilip. Nakita niya silang dalawa, nakasuot ng parehong apron, may harina sa pisngi, at parehong nakakunot ang noo habang nakatingin sa recipe book.“Magandang umaga sa inyo,” bati niya.Mabilis na lumingon si Xavian. Agad na nagbago ang mukha niya, mula sa pag-aalala ay napalitan ng ngiti.“Gising ka na pala. Akala ko matatagalan ka pa,” sabi
Baca selengkapnya