Buong araw na hindi mapakali si Astrid. Mula nang tumawag si Attorney Herrera tungkol sa emergency custody evaluation, pakiramdam niya ay may bato na nakadagan sa dibdib niya.Kahit anong gawin niya. Kahit gaano niya piliting magpakatatag. Hindi mawala ang takot. Dahil alam niyang hindi simpleng tao ang kalaban nila. Si Victor Avanzado iyon. Isang lalaking sanay makuha ang gusto niya. At ngayon...Si Ashton ang gusto nito."Mama!"Napakurap siya nang marinig ang boses ng anak. Nasa sala ito habang nagkukulay.Agad siyang ngumiti."Yes, baby?""Tingnan mo!"Masayang ipinakita ni Ashton ang drawing nito. Tatlong stick figures. Isang babae. Isang lalaki. At isang maliit na bata sa gitna.Unti-unting lumambot ang ekspresyon ni Astrid."Who's this?"Agad tumuro si Ashton."That's me."Tumuro ulit."You."At pagkatapos...Tumuro sa lalaking drawing."Daddy."Parang may kumurot sa puso niya. Hindi dahil masama.Kundi dahil sa kung gaano iyon naging natural para sa anak niya.Daddy. Hindi na Xa
Read more