Samantala, sa isang mamahaling cafe sa mall, nag-a-afternoon tea ang ina ni Nate kasama ang ina ni Jhonnie na si Mrs. Chen.Nang matanggap ang litratong isinend ni Jhonnie, nagulat at napasigaw sa tuwa ang ina ni Nate. "Hala, tingnan mo nga naman! May nagaganap na ba talaga sa anak mo?""Naku, Ate, grabe ka naman!" natatawang sagot ni Mrs. Chen habang nakatingin sa phone. "Ilang beses ko nang tinanong ang batang 'yan, ang sabi niya wala raw siyang girlfriend. Pero infairness, maganda ang hubog ng katawan ng babaeng ito, bakit kaya hindi niya pinapakita ang mukha niya?"Tumawa ang ina ni Nate. "Baka naman nahihiya lang muna sa ngayon. Pero paniguradong makikilala mo rin siya sa tamang panahon, 'di ba?"
Magbasa pa