Sa loob ng opisina, ramdam pa rin ang bigat ng presensya ng bagong lider.Parang bawat kilos ng empleyado may nakabantay na mata, kaya kahit lampas alas-nuwebe na ng gabi, wala pa ring naglalakas-loob na umuwi. Tahimik ang buong floor—tunog lang ng keyboard, mahinang pag-flip ng documents, at paminsan-minsang buntong-hininga ang maririnig.Lalo na ang mga project team leaders na mismong pinangalanan ni Nathaniel kanina. Halatang pagod na pagod na ang lahat, pero walang nagrereklamo. Lahat nakayuko at tahimik na nagtatrabaho, parang takot magkamali ulit.Sa gitna ng katahimikan, biglang tumunog ang cellphone ni Pia.Pagtingin niya sa screen, bahagyang lumambot ang ekspresyon niya nang makita ang pangalan ni Daisy.Mabilis siyang tumayo at lumayo nang kaunti bago marahang sumagot.“Daisy, love… mauna na kayo ni Lola matulog, ha? Uuwi rin si Mommy mamaya.”Sa kabilang linya, agad niyang narinig ang inosente at malambing na boses ng anak.“Okay po, Mommy. Huwag ka pong masyadong mapagod.
최신 업데이트 : 2026-05-27 더 보기