Pagpasok pa lang namin sa Grand Hall, agad akong nilamon ng nakakasilaw na liwanag ng naglalakihanb chandelier at ng sunod-sunod na flash ng camera. Humigpit ang hawak ko sa braso ni Lisandro. Sa gitna ng napakaraming tao, agad kong naaninag ang pamilyar na anino. Sa kabilang bahagi ng hall, nakatayo si Cedrick. Nakatuon ang paningin niya sa amin—o mas tama, nakatuon ang paningin niya sa akin.Putsa. Ramdam ko ang pag-init ng lalamunan ko. Sa bawat paghakbang namin, para akong hinuhubaran ng mga mata niya. I knew what he wanted: the documents. And he was watching to see if I had the guts to do it."Stay close," bulong ni Lisandro sa gilid ng tenga ko. Sinadya niyang hinaan iyon para ako lang ang makarinig.Nilingon ko siya, at napansin ko ang paggalaw ng panga niya. Busy siya sa pakikipag-usap sa mga foreign dignitaries, nakangiti nang pormal at sumasagot sa bawat tanong, pero ramdam ko ang tensyon sa katawan niya. Paminsan-minsan, nakikita ko ang mabilis niyang sulyap sa kamay
閱讀更多