Napatitig ako sa banyong iniwan ko. Ang bango pa naman ng tubig doon, tapos hindi ko man lang mapapakinabangan dahil sa lalaking ito! Palihim kong binalingan ng masamang tingin ang likod ni Lisandro habang marahas niyang isinasara ang pinto ng silid ko.Bwisit talaga. Buhay reyna sana, nabasag pa dahil sa biglaang pa-meeting na yan! Wala akong nagawa kundi ang mabilis na magpatuyo at mag-ayos. Naghanap ako ng matinong maisusuot sa naglalakihang closet ni Maggie. Puro mamahaling damit na akala mo laging a-attend ng fashion week ang nandoon. Nakapili ako ng isang simpleng kaswal na blazer at itim na slacks. Disente iyon at pormal, at higit sa lahat, hindi mukhang aattend sa first mass kagaya ng ruffles na pantulog ko kanina. Bitbit ang isang branded na bag kung saan mabilis kong isinilid ang sarili kong basag na phone, huminga ako nang malalim bago lumabas ng kwarto. Pagbaba ko sa main hall ng Palasyo, nandoon na si Lisandro, pormal na pormal siya sa suot niya at seryosong nakikipag
続きを読む