Biyernes ng gabi. Ang pamilyar na amoy ng piniritong tilapia, laing, at mainit na kanin ay pumuno sa maliit ngunit maaliwalas na dining room ng pamilya Tantoy. Mula sa kanyang inuupuan, tahimik na pinagmamasdan ni Regine ang lalaking kaharap niya sa hapag-kainan.Si Jason Hernandez, ang makisig at sikat na Math teacher ng San Isidro High School, ay kasalukuyang nakikipag-kamayan sa pagkain kasama ang kanyang amang si Kapitan Nestor. Ngunit bago ito sumubo, nakita ni Regine kung paano palihim na nag-pump si Jason ng tatlong patak ng mamahaling hand sanitizer, maingat na ipinahid iyon sa kanyang mga daliri, at hinintay matuyo bago humawak sa pritong isda.Hindi mapigilan ni Regine ang pag-usbong ng isang matamis na ngiti sa kanyang mga labi. Sa kabila ng pagiging maarte sa balat at sa kalinisan, walang-reklamong sumasabay si Jason sa simpleng buhay ng kanyang pamilya. Nakikipagtawanan ito kay Kapitan Nestor tungkol sa pagbuhos ng semento sa kanilang lote noong nakaraang linggo, habang p
Leer más