Nakaupo si Jason sa kanyang swivel chair, tuwid na tuwid ang likod na parang nakalunok ng kawayan. Sa harap niya ay ang kanyang laptop, isang Venti matcha latte, at ang kanyang paboritong pink portable fan na nakatapat sa kanyang mukha.Sa kabilang desk, hindi maalis ang mapanuksong tingin ni Lorraine kay Regine na kasalukuyang nagche-check ng mga essay ng Grade 10."Besh," pabulong ngunit madiin na tawag ni Lorraine. Inilapit nito ang kanyang swivel chair kay Regine. "Umamin ka nga sa akin. Anong klaseng exercise ang ginawa niyo noong weekend at hanggang ngayon, parang robot kung lumingon 'yang Sir Jason mo?"Mabilis na nag-iwas ng tingin si Regine. Naramdaman niya ang pag-akyat ng init sa kanyang mga pisngi. "Gym nga kasi, Lorraine. Nagbuhat siya ng mabibigat.""Sus! Gym daw!" palatak ni Lorraine, sabay irap. "Kagabi, nag-chat sa akin ang asawa ni Sir Gary. Nakita raw kayo kahapon sa home depot. Wala namang gym doon ah! At saka, base sa paglalakad ni Sir Jason, hindi 'yan galing sa
Leer más