Nang makarating sina Regine at Jason sa beachfront kung saan nakaset-up ang malaking bonfire, halos hindi na magkarinigan ang mga tao sa lakas ng tawanan at kanta mula sa bitbit na bluetooth speaker ni Sir Mark. Pinalibutan ng mga guro at ilang resort staff ang naglalagablab na apoy, may mga hawak na inihaw na hotdog, marshmallows, at mga baso ng malamig na beer o juice.Sa sandaling lumitaw ang dalawa, agad na umalingawngaw ang pambubuska ng buong English at Math department."Ayan na ang mga nag-shooting ng teleserye sa dilim!" pang-aasar ni Sir Gary, sabay taas ng kanyang baso ng beer. "Akala namin nilamon na kayo ng alon, eh! Sir Jason, nasaan na ang ipinangako mong drinks? Natuyo na ang lalamunan ko kakahintay sa inyo!"Mabilis na bumitaw si Jason sa pagkakahawak sa kamay ni Regine. Inayos nito ang pagkakabutones ng kanyang white shirt, pumamewang, at buong-giting na tinaasan ng kilay ang mga kasamahan."Excuse me, Sir Gary! Wala pong nilamon ng alon, baka gusto mong ako ang lumam
Leer más