Unti-unting inilapit ni Tyron ang mukha niya, sapat para maramdaman ni Lorraine ang mainit nitong hininga sa kaniyang pisngi. Kasabay ng pagkalasing niya sa mamahaling amoy ng binata ay ang malakas na pagtunog ng warning bells sa kaniyang utak. Huy, Lorraine! Gising! Teacher ka, hindi ka order sa online app! Bago pa man maglapat ang kanilang mga labi, mabilis na nai-angat ni Lorraine ang kaniyang magkabilang kamay at idiniin iyon sa matigas na dibdib ng lalaki upang itulak ito nang bahagya. Napasinghap siya, hindi dahil sa kaba, kundi dahil parang pader sa tigas ang dibdib ng bilyonaryo sa ilalim ng manipis nitong puting polo. "T-Teka lang po, Sir! May malaki po yata tayong misunderstanding!" mabilis at medyo matinis na sabi ni Lorraine, halos magkadikit na ang mga kilay niya sa matinding panik. Natigilan si Tyron. Kumunot ang makapal nitong noo, rumehistro ang pagtataka at bahagyang iritasyon sa madilim nitong mga mata. Dahan-dahan itong umatras ng isang hakbang, inilalagay ang ma
Baca selengkapnya