Kabadong-kabado ako habang nakatitig sa amin si Eliseo. Nang hindi ko na matagalan pa iyon ay mabilis kong hinila ang anak ko sa loob ng bahay.Pero bago iyon, kita ko ang pagtataka sa kanyang mukha nang makita niya si Kian. Nakita ko siyang humakbang palapit sa bahay pero natigilan siya nang tawagin siya ni Papa.Nagmadali na kami ni Kian sa loob. I felt so restless, not just because of the incident in the mall anymore. Ngayon ay pati na rin ang pagkakita ni Eliseo sa anak ko!“Mommy, what's wrong?” inosenteng tanong ni Kian.Nang makapasok kami sa loob, mabilis akong umupo para magpantay ang tingin namin ng anak ko.“Did you see the man outside?” tanong ko.Tiningnan niya ako nang matagal at may pagtataka.“The car where you came from, Mommy?”“Yes!” agap ko. “Don't ever come near him, okay? He's a bad guy. He hurt Mommy. You don't talk to him or trust him. Do you understand?”“Okay, Mommy,” mabilis niyang sang-ayon.“Kiara, ano itong nabalitaan ko na…”Nagmamadali akong tumayo nang
Read more