Bahagya akong tumawa.“Mama, you know I will never go back to the Philippines. Ano pa bang babalikan ko diyan?” I said in a tone like the place disgusted me.“Kiara, kailangan mong umuwi,” rinig kong nanginig ang boses ni Mama mula sa kabilang linya.Kumunot ang noo ko habang pinatutuyo ng tuwalya ang buhok ko. “Mama, stop this! Why are you even bothering? Alam mo namang imposible ang hinihingi mo. Nandito sa Europe ang buhay ko, ang trabaho ko, at si Kian.”Suminghap si Mama.“Makinig ka muna, Kiara. Nanganganib ang buhay natin! May nagbabanta sa papa mo, sa pamilya natin,” halos paiyak na saad niya. “May mga kahina-hinalang lalaki na laging umaaligid sa bahay natin noong nakaraang linggo. At kanina lang, may nag-iwan ng sulat sa labas ng gate. Direkta kang pinagbabantaan. Dahil sikat na sikat ka na, ikaw ang ginagawa nilang target para takutin ang papa mo!”Napatigil ako sa pagpupunas ng buhok. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Pero ayaw kong bumalik sa Pilipinas. There's just no way
Last Updated : 2026-06-07 Read more