CESKA"Girl, tiba-tiba ka naman ngayong gabi ah," puna ni Mira sa akin habang abala ito sa pag re-retouch. "Dapat hindi Princess ang pangalan mo eh, Reyna dapat."Natawa ako dahil sa sinabi niya, ngunit tawa ito na walang saya."Sira.""Totoo naman kasi. Kung may award lang na darling of the crowd — ikaw na talaga ang mananalo. Sabi ko naman kasi sa'yo, turuan mo ako ng dance steps mo."Mas lalo akong natawa dahil sa sinabi niya."Ewan ko talaga sa'yo. Mauna na ako. Galingan mo na lang gumiling diyan. At tandaan mo ang golden rule....""Huwag bubuka sa walang pera," tuloy niya sa sasabihin ko.Ngumisi ako at saka tumango. Buti na lamang ay alam na niya ang sasabihin ko.Tapos na ako ngayong gabing ito. Last na ang customer ko kanina sa VIP room. Inayos ko ang aking mga gamit matapos kong tanggalin ang mga kolorete sa aking mukha. Kung wala ang make-up ko, masasabi ko talaga na isa lamang akong simple at inosenteng gaga na naghahanap ng malaking pera gabi-gabi.Sinuot ko ang aking jack
Last Updated : 2026-05-31 Read more