CHAPTER 109 “Killing is an exageration, Misis. Hindi pa nga natin alam kung ano ang totoong nangyari,” saway pa ng principal. “Shaun attacked me first,” sabi ng grade 4 student na may pasak pa ng tissue sa isang butas ng ilong dahil nagno-nose bleed. “Shaun, totoo ba iyon?” tanong ng Principal. Hindi sumagot si Shaun bagkus ay nakayuko pa rin ito at kagat-kagat ang pang-ibabang labi. “Shaun, magsalita ka,” sabi niya naman pero tiningnan lang siya na parang ang sama-sama ng loob sa kanya. “Silence means yes. He’s guilty kaya tahimik. I’m not surprised he’s violent. Kilalang mainitin ang ulo ng Daddy niya. Ka-schoolmate ko dati si Vioxx Almeradez and I will tell you how bad of a student he was!” “Mga bata, mas mabuting lumabas muna kayo at kakausapin ko muna ang mga magulang niyo,” mahinahong wika ng principal nang sunod-sunod na ang akusasyon ng mga magulang. Nagsilabasan naman ang mga ito sa principal’
Ler mais