CHAPTER 112 “Wow! Hello po, Tita Dashi!” bati sa kanya ni Reirey pati ni Dos. Kapagkuwan ay itinuro nito ang kausap na teenager. “Ito nga po pala si Marih, pinsan namin.” Kumaway sa kanya ang magandang babae. Maya-maya pa ay napalingon ito sa isang direksyon at may tinawag. Kumurap-kurap si Danica Shane nang mapagtanto na pamilyar sa kanya ang lalaking papalapit. “Dad, I’m here!” “Rio Jean, Dos, get inside!” masungit na utos ni Vioxx sa kambal. “Wait lang po, Uncle Vioxx. Magpapaalam lang kami kay Uncle Ahmed,” wika naman ni Reirey. Pikon na umigting ang panga ni Vioxx lalo na nang mapatingin sa kanya na nakatitig kay Ahmed Haddad. Sa kanyang pagkagulat, ay biglang pinindot ni Vioxx ang button para tumaas pasara ang tinted na bintana ng sasakyan. “Daddy, maghe-hello pa ako kay Uncle Ahmed,” reklamo ni Shaun. “Lumabas ka na lang.” ‘ “Ayaw ko. Dito lang ako kay Mommy.”
Leer más