CHAPTER 7“ANG SABI ni Sir Vioxx magpahinga ka. Huwag mo ng isipin ang mga gawain-bahay,” sermon sa kanya ni Manang Sabel nang makitang papalabas siya ng kanyang kwarto. “Manang, hindi naman ako imabalido.” Tutol pa sana ang matanda kaya lang ay ginamitan niya ng pagpapa-cute. Hinayaan na lang siya nito basta huwag daw siyang bababa ng hagdan. Pumunta na lang siya sa katabing kwarto. Nakaawang iyon kaya naisilip niya si Shaun na kinakausap ng ama nito. “I just wanna go to Mami’s house! I’m gonna tell on you ‘cause you’re not here again!” “Kaya umalis ka ng walang paalam?” “Don’t talk to me anymore, Daddy!” Humalukipkip pa ang batang m aldito. “Don’t talk back to me, Young Man.” “I said I don’t want you to leave. But you still leave me.” “I have work, Shaun! You have to understand!” Ngumiwi ito subalit pinigil ang sarili na maiyak. Hindi na lang umimik. Bumuga ng hangin si Vioxx
Last Updated : 2026-06-02 Read more