Pagkapasok ko sa opisina ko, parang tumigil ang pitong taon.Walang nagbago. Ang mesa, ang bookshelf, ang malaking bintanang tanaw ang buong lungsod, nasa tamang lugar pa rin ang lahat. Ang pagkakaiba lang, may bagong halaman sa gilid, at wala ni isang bakas ng alikabok sa kahit anong sulok.Si Jen ang may gawa niyon, alam ko.“Ma’am, kape po. Isang kutsarang gatas, walang asukal,” sabi niya, inilapag ang tasa sa mesa ko bago pa ako makapag-utos.Napatitig ako sa kaniya.“Paano mo...”“Hindi ko po nakalimutan, Ma’am,” nakangiting sagot niya, bahagyang namamaga pa rin ang mga mata. “Pati po ‘yung gusto niyong naka-bukas ang blinds tuwing umaga, at ‘yung ayaw niyong may kumakatok habang nagbabasa kayo ng reports.”Napangiti ako, mahina at totoo.Pitong taon ang lumipas, pero hindi nabura ang mga maliliit na bagay na iyon sa alaala niya. Hindi ko alam kung paano ko siya mapapasalamatan.Umalis si Jen pagkatapos, at naiwan akong mag-isa kasama ang tahimik na opisina.Naupo ako sa swivel c
Ler mais