May kakaibang bigat sa paraan ng pagkasabi niya niyon, dahilan para mapatingin ako sa kaniya nang tuwiran."Ibig mong sabihin?""Wala," mabilis niyang sagot, bumalik sa pagkain, tila iniiwasang ipagpatuloy ang paksa. "May si Drivelian tayo, di ba? At si Nanay Berta. Hindi na tayo nag-iisa."Tumango na lang ako, kahit alam kong may iba pang gustong sabihin si Damon na hindi niya inilabas.Si Nanay Berta, na nakikinig lang habang kumakain, ay biglang tumawa nang malumanay. "Kayong dalawa, minsan hindi ko na maintindihan. Ang labo-labo ng usapan.""Ano po ba, Nanay Berta," aniko, natatawang iniiwasan ang tingin ni Damon.Matapos ang hapunan, tumulong akong maglinis ng mga plato habang si Damon naman ay naghanda ng kama para kay Drivelian. Si Nanay Berta, dahil sa pagod sa biyahe, ay unang nagpaalam para matulog.Nang matapos na ang lahat ng gawain, umupo muli ako sa sofa, ang gabing lungsod sa labas ng bintana ay patuloy na kumikislap.Lumapit si Damon at umupo sa tabi ko, dala-dala ang
Ler mais