Hindi nagsalita si Sexily.Pero naramdaman ko ang paggalaw niya, ang paglapit ng balikat niya sa balikat ko, ang mainit niyang kamay na muling humawak sa akin.“Alam mo,” sabi niya pagkaraan ng ilang sandali, malumanay, “hindi masamang gusto mong bigyan ng buong pamilya ang anak mo. Pero ang tanong, para kanino ang pangalawang pagkakataon na iyon? Para kay Drivelian lang ba? O para rin sa ‘yo?”Natigilan ako.Hindi ako nakasagot.Dahil sa totoo lang, hindi ko pa rin alam.“Hindi mo masagot ngayon?”Mahina ang pagkakatanong ni Sexily. Hindi ako lumingon sa kaniya, pero ramdam ko ang tingin niya sa gilid ng mukha ko, malambot at matiyaga, tulad ng tingin ng taong handang maghintay kahit gaano katagal.Umiling ako, dahan-dahan.“Hindi,” bulong ko. “Hindi ko alam.”Narinig ko ang mahinang buntong-hininga niya, hindi pagod, kundi pang-unawa.“Hindi mo kailangang sagutin ngayon,” sabi niya. “Bigyan mo ang sarili mo ng oras para malaman kung ano ba talaga ang gusto mo.”Natahimik ako.Ang si
Ler mais