Ilang segundo akong hindi nakagalaw.Nakatayo pa rin si Kendiel sa harap ng kalan, hawak ang sandok, nakaapron na may maliliit na bulaklak, at nakatingin nang diretso sa akin na parang walang masama sa nakikita ng buong kusina. Ang init sa pisngi ko ay umabot na sa leeg at tenga, at ramdam kong lumalala pa iyon sa bawat segundong hindi ko nailalayo ang tingin ko.Tumingin ka sa mukha niya, Desiree.Sa mukha.Mabilis kong ibinaling ang mga mata ko sa kisame, sa dingding, sa lababo, sa kahit saan, at tumikhim nang malakas.“A-anong ginagawa mo rito?” Mas matigas sana ang gusto kong tunog, pero nanginginig ang dulo ng boses ko. “Hindi ba pinalayas ka na kanina?”“Hindi ako pinalayas ngayon,” sagot ni Kendiel, itinaas ang isang kilay, “dahil inimbitahan ako ng may-ari ng bahay.”“Sinong may-ari?”Dahan-dahang tumuro ang sandok niya sa gilid, kay Drivelian, na nakaupo pala sa mataas na upuan sa tabi ng mesa, nakangiting abot-tainga, may hawak na kutsara.“Mommy! Mister cook po for us! Hind
Ler mais