“Saan tayo mauna, Drive?” tanong ni Damon habang sinisilip ang listahang halos kasinghaba na ng braso niya.“Sa toys!” mabilis na sagot ni Drivelian, sabay taas ng kamay na parang nanalo sa raffle. Kunwari’y hindi niya narinig ang tanong.“Grocery muna, sabi ko na sa’yo,” ulit ni Damon, pinipigilan ang tawa. Ganyan siya palagi. Kunwari’y istrikto, pero halata namang natutunaw na siya sa pagmumukha ng anak namin.Napangiti ako. Ang tigas ng ulo, kamukhang-kamukha ng ama.“Pwede namang bumili muna tayo, tapos toys bago umuwi,” singit ko at sinulyapan si Drivelian. Agad niyang itinaas ang thumbs up niya sa akin, sabay ngiting kita ang nawawala niyang ngipin sa harap.Deal.Bumuntong-hininga si Damon, pero ang sulok ng labi niya ay nakangiti na. “Sige na nga,” pagsuko niya, sabay ikot ng trolley papunta sa unang aisle. “Kayong dalawa talaga, pinagtutulungan niyo ako.”“Kasi mahal mo kami,” bulong ko.“Narinig ko ‘yan,” sagot niya, hindi lumilingon. Pero namula ang tenga niya.Sa gitna ng
Magbasa pa