Tumingin siya kay Desiree.“Mommy?”Marahang tumango si Desiree, may luhang tumutulo sa pisngi.“Totoo, baby,” bulong niya. “Siya ang papa mo.”Muling bumalik ang tingin ni Drivelian sa akin, at nakita kong nanginginig ang labi niya.“Pero po...” mahina niyang sabi. “Si Tito Damon po ang daddy ko.”Parang may humiwa sa dibdib ko, pero hindi ko iyon ipinakita.“Alam ko,” sagot ko, marahan, at buong lakas kong pinatatag ang boses ko. “Si Tito Damon ay mahal na mahal ka at inalagaan ka. Mananatili siyang espesyal sa ‘yo. Pero ako rin ang papa mo, baby. Matagal akong nawala.”“Bakit po?”Isang simpleng tanong, pero ito ang pinakamabigat sa lahat.Pumikit ako sandali, at pagkatapos ay humarap ulit sa kaniya, buong katapatan, kahit masakit.“Dahil nagkamali ako,” sabi ko. “Nasaktan ko ang mommy mo, kaya umalis siya. At hindi ko alam na may baby pala. Kung alam ko lang, hindi ako mawawala kahit isang araw.”Tahimik.Ilang segundo.Pagkatapos, dahan-dahang itinaas ni Drivelian ang maliit niya
Ler mais