Lumipas ang gabi sa kantahan, kuwentuhan, at pagtatalo kung sino ang may pinakamagandang kasuotan sa darating na kasal. Pasado alas-onse na nang magsimulang magsiuwian ang mga kaibigan namin, isa-isang nagpaalam, may mga yakap at biro pa rin hanggang sa pinto.“Congrats ulit, pare,” sabi ni Rhamesis, sabay yakap nang mahigpit. “Kapag umiyak ka sa altar, hindi ko ito ipagkakalat. Pero kukunan kita ng video.”“Walanghiya ka,” natatawa kong sagot.Si Jariel ay tumango lang at nakipagkamay, pero may malambot na ngiti. Si Ymilio naman ay niyakap ako nang mabilis at mahigpit, walang salita, pero sapat na.Nang sumara ang pinto at tuluyan nang naging tahimik ang bahay, naiwan kaming tatlo sa sala. Si Drivelian ay nakatulog na sa kandungan ni Desiree, hawak pa rin ang isang talulot ng rosas sa kanyang maliit na kamay.Maingat kong binuhat ang aming anak at inihiga sa kanyang kuna. Kinumutan ko siya, hinalikan sa noo, at pinagmasdan ang kanyang mahimbing na mukha.“Salamat, prinsesa,” bulong k
Leer más