Makalipas ang isang linggo, masasabi kong tuluyan nang gumaling ang katawan ko. Hindi na sumasakit ang ibabang bahagi ng katawan ko sa tuwing gumagalaw ako, at tuluyan na ring nawala ang pamamaga.Sa buong isang linggo, halos iisa lang ang naging routine ko—humiga, kumain, manood, at magpahinga. Kapag nagugutom ako, pagkain ang umaabot sa akin dahil halos wala akong ganang lumabas ng bahay.But eventually, I started feeling like myself again.Nang mapansin kong kaya ko nang gumalaw nang walang iniindang sakit, unti-unti na rin akong bumalik sa dati kong routine. Nakapagluto na ako ng sarili kong pagkain, nakapaglinis ng bahay, at nakakapaglakad na nang maayos nang hindi kinakailangang mabagal sa bawat hakbang.Tungkol naman kay Kendiel…Wala.As in wala talaga.Hindi siya nagpakita. Hindi rin siya nag-message. Ni isang tawag ay wala akong natanggap mula sa kaniya simula noong araw na nagpaalam siya sa clinic.At sa totoo lang…Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matutuwa.Siguro hinay
Read more