“Pwede ba kitang makatabi sa kama, Desiree? Miss na kita katabi, eh.”Pagkatapos niyang sabihin iyon, mas lalong nagulo ang isip ko.Napatingin ako sa kaniya. Sa kabila ng kalasingan niya, ramdam ko pa rin ang lungkot sa boses niya. Para bang hindi lang simpleng alak ang dahilan kung bakit siya nasa harap ko ngayon.At kahit gusto kong magalit, may parte sa akin na hindi kayang talikuran siya.Parang may sariling isip ang katawan ko, kaya napabuntong-hininga na lamang ako at marahang tumango.Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kaniyang kandungan at agad na kumuha ng pantulog. Nang magbihis ako, hindi ko na siya pinansin. Kinuha ko rin ang damit niyang naiwan sa akin mula nang kunin ko iyon sa kaniyang condo at inilagay sa tabi ng kama.Pagkatapos, kumuha ako ng bimpo, binasa iyon ng malamig na tubig, saka bumalik sa kaniya.“Umupo ka nang maayos,” utos ko.Sumunod naman siya.Dahan-dahan kong pinunasan ang mukha niya, saka ang leeg at mga braso. Ramdam ko ang init ng katawan niya at naa
Leer más