Peachee Gabi na nang makabalik kami ng hotel room galing sa pag-a-island hopping, humingi rin naman siya ng tawad sa pagpisil niya sa kamay ko na talaga namang masakit. Kinausap niya rin ako patungkol sa kaibigan niyang iyon na kapag makasalubong ko man, wag ko raw kakausapin. "Kahit magtanong?" "Yes, kahit magtanong." Wala na lang akong naging imik pa at si Sir. Stefan na itong kausap ko na unti-unti na rin akong nasasanay na tawaging sa pangalan lang. Sa kabila ng kaganapan kanina, naging masaya naman ang buong araw ko, sobra akong nag-enjoy. Ang dami naming activity na ginawa. Sumakay kami sa malaking yate niya, nag-snorkling, nag-dive kasama ang mga isda na talaga namang bumuo ng araw ko. Napakasayang karanasan, marami rin siyang kinuhang litrato ko na tuwang-tuwa at nang ipinakita sa akin kitang-kita ko ang saya sa sarili ko na ni minsan... hindi ko pa noon nakita. Kaya bilang bawi, kailangan ko siyang paligayahin ngayong gabi, oo... ako nang magkukusa, palagi naman siya
Baca selengkapnya