PeacheeHanggang makauwi ng bahay hindi pa rin ako makapaniwalang natanggap ako... sa dami naming aplikante, ako talaga?Kaya paglabas ko ng silid kung saan ako na-interview ang sasama ng tingin sa akin ng mga nakasama kong mag-apply.Hindi ko naman kasalanan nakitaan ako ng rason na maging personal na kasamabahay ni Mr. Castellano, hindi rin ako sobra umasa na ako ang matatanggap sa dami namin kaya nga ganito na lang ang gulat ko.Pag-uwi ko ng bahay, sinabi ko agad kay Nanay ang magandang balita, natuwa rin siya dahil alam niya kung gaano kagalante sa mga trabahador si Mr. Castellano, ngunit talaga naman hindi mawawala ang pangit na mga kataga ni Nanay."Kapag nandoon ka na, kunin mo ang loob niya, akitin mo nang may silbi naman iyang ganda mo, tutal hindi ka na mag-GRO, mas mabuti pa subukan mo ang kapalaran mo mapalapit sa mayamang binatang iyan."Hindi ako tumugon habang nasa kusina kami kasalukuyan akong umiinom ng tubig mula sa baso at nakatingin lang sa labas ng bintana nang m
Huling Na-update : 2026-06-01 Magbasa pa