Peachee Kagat-kagat ko ang hinlalaki ko habang nakatitig sa hawak kong phone, pinagiisipan ko mabuti kung tatawagan ko ba siya o hindi. Kanina pa ako nagpapabalik-balik ng lakad sa katamtaman laki ng opisina pangalawang palapag nitong bake shop. Hindi na nga ako nakatulog magdamag, tapos kinaumagahan meron na namang nanggulo bukod pa kahapon. Hindi ko alam kung ano pa bang gusto nila samantalang nananahimik na ako, matagal na akong walang koneksyon kay Stefan. Pero pilit pa rin nila ako inuugnay sa kanya, minamata at sinusumbatan na para bang kanila galing lahat ng naipundar ko. Iyung nagbigay nga, walang sinabi. Sila, pupuntahan ako para pamukhaan? Hindi ko naman sila ginugulo, nang malaman ko na ikakasal si Stefan kay Rivaly, tumutol ba ako? Hindi naman... Sa halip, tinanggap ko. Kahit sobrang sakit sa akin. Wala naman ako magagawa. Ako ang una nagtaboy sa kanya. Kagustuhan ko mamuhay ng hindi siya kasama, kaya kalabisan na pigilan sila at bumalik sa kanya gayong nalama
اقرأ المزيد