LARA'S POVKinabukasan, nagising ako na may kakaibang sigla na nag-uumapaw sa buong sistema ko.Para akong nakalutang sa alapaap.Ang bigat ng mga nangyari kagabi, ang matinding emosyon, at ang nakakabaliw na rebelasyon sa pagitan namin ni Mr. Robot ay tila naging isang matamis na panaginip na ayaw ko nang takasan.Nang imulat ko ang aking mga mata, ang unang bumungad sa akin ay ang perpektong bulto ng lalaking idinisenyo ko. Nakatayo siya sa gilid ng kama ko, tuwid na tuwid, nakasuot pa rin ng kaniyang paboritong puting V-neck shirt at gray sweatpants.Ang kaniyang mga braso ay naka-krus sa kaniyang matipunong dibdib. Ang kaniyang mga mata ay madilim at seryoso, nag-i-scan sa paligid ng kwarto na parang may nagtatagong kalaban sa ilalim ng mga unan ko."Good morning, baby bot!" masigla kong bati, sabay inunat ang aking mga braso paitaas.Mabilis na dumapo ang kaniyang paningin sa akin. Sa isang iglap, nakita ko ang paglambot ng kaniyang ekspresyon, bagaman pilit niya itong tinatago s
Leer más