"Security threat? Ang payat-payat nung tao, tapos security threat? Inggit ka lang kasi tao siya!"Bago pa siya makasagot, biglang umilaw ng kulay pula ang isang maliit na icon sa gilid ng monitor ko. Kumunot ang noo ko."Hmm? Ano 'to?" Inilapit ko ang mukha ko sa screen at tiningnan ang notification. "May packet loss sa external firewall ng mansyon. Parang may nag-a-attempt mag-ping sa labas ng network natin."Sa pagkasabi ko ng salitang iyon, naramdaman ko ang biglaang paggalaw ng hangin sa likuran ko. Sa isang iglap, nakatayo na si Snyder sa mismong gilid ng silya ko, nakadukwang sa ibabaw ko, ang kaniyang mga mata ay nakapako sa monitor.Ang lapit ng mukha niya. Amoy na amoy ko ang minty breath niya at ang pabango niya. Pero sa halip na kiligin, napansin ko ang sobrang seryoso at madilim niyang ekspresyon."Stand up, Lara," utos niya, ang boses niya ay hindi na tunog ng isang nag-aadjust na robot, kundi isang awtoridad na hindi pwedeng suwayin."Bakit? Minor ping lang naman 'yan, s
Mehr lesen