“Minsan kasi, nakakalimutan ni Daddy na hindi lang siya ang Selverino sa bahay na 'to.”Natigilan si Mr. Robot.Naramdaman ko ang literal na paghinto ng hangin sa paligid namin. Ang kaniyang mga mata ay biglang nanlaki, nakatutok nang direkta sa akin.“What do you mean, Master Lara?” mababa, garalgal, at tila nanginginig niyang tanong.Humarap ako sa kaniya at kumindat. “Nung bata kasi ako, palagi akong naiiwan sa itaas. Curious ako kung ano bang ginagawa niya sa baba. Kaya nung nagkaroon ako ng chance na ma-access ang main terminal natin sa kwarto ko... I kind of tweaked the logic parameters ng scanner na 'to.”Itinaas ko ang kanang hinlalaki ko at iwinagayway sa mismong harapan ng mukha niya.“DNA-level biometric sequence ang kailangan niya, tama? Well, last time I checked, I share fifty percent of Diego Selverino’s exact biological DNA. Kasi anak niya ako. Naglagay ako ng bypass code. Kapag idinikit ko 'yung thumbprint ko, babasahin ng scanner 'yung biological match ko kay Daddy, a
Read more