Dahan-dahang humiwalay si Xander sa pagyakap ngunit hindi niya binitawan ang kamay ni Selena. Hinawakan niya ito nang mahigpit, tila takot na kung bibitaw siya ay mawawala na ito nang tuluyan. Tinitigan niya ito nang diretso sa mga mata , walang pagtatago, at punong-puno ng damdaming matagal na niyang kinikimkim sa loob ng kanyang puso.“Selena… hindi ko na kayang itago pa ito,” nagsimula siya, at ang kanyang boses ay mahina ngunit puno ng katapatan, nanginginig sa damdaming matagal na niyang pinipigil. “Sa bawat araw na lumilipas, sa bawat sandaling kasama ko kayo, lalo ko lang nararamdaman na hindi na lang pag-aalaga o pagiging mabuting kaibigan ang nararamdaman ko. Higit pa roon. Higit pa sa kaya kong ipaliwanag.”Huminga siya nang malalim, tila nag-iipon ng lakas ng loob na ibuhos ang lahat ng matagal nang nakatago.“Nang makita kita sa unang pagkakataon pa lang, parang may nabago na sa akin. Akala ko noon ay awa lang o paggalang ngunit habang tumatagal, habang nakikita ko kung p
Read more