KABANATA 14: ANG HULING TESTAMENTO XANDER POV Pagkatapos ng Press Conference, bumalik ako sa opisina na puno ng katahimikan. Pero sa likod ng pinto na ito, alam kong hindi pa tapos ang giyera. Sa katunayan, kasisimula pa lang nito. Dahil hindi ko pa kilala kung sino ang tunay na kalaban . Dalawang buwan na ang nakalipas simula nawala sina lolo, Damien at Tito Roderick . May mga pambibintang akong natanggap dahil ako ang sinisisi ngunit walang patunay . Umupo ako sa upuan ni lolo. ngayon ako na ang Chairman ng kompanya dahil iyon ang utos ng board of directors.Ngayon ay akin na ang upuan. Sa ibabaw ng mesa, inilapag ni Attorney Guevarra ang isang mahaba at makapal na puting sobre. Ang HULING TESTAMENTO AT HABILIN ni DON ALEJANDRO VOSS. Kahit walang last will ako na talaga ang magmamana. Tinitigan ko ito. Ito ang susi sa lahat. Ito ang dahilan kung bakit ako nandito. Ito ang dahilan kung bakit kahit ampon lang ako... pinili niya ako kaysa sa sarili niyang kadugo. "Buksan mo, At
Last Updated : 2026-06-05 Read more