“At talagang sabay pa kayong magsalita.” nakangiti pa nitong tila panunukso sa amin.Nagkatinginan na lang ulit kami ni Magnus.“Pero huwag kang mag alala, papa. Tatawagin ko si mama tulad ng tawag mo sa kanya lagi.”“Huh!”“My sweet, sweet Lucy.” saka nito hinawakan ang kamay ko at niyugyog iyon na parang naglalambing sa akin.“Stop it, Lucian. Hindi ko kailanman siya tinawag ng ganyan,” agad na pagsita ni Magnus kay Lucian.Nakasimangot si Lucian at pinamaywangan pa siya nito.“Palagi mo naman talaga tinatawag ng ganun si Mama, papa. Gusto mo ba na ipakita ko pa sayo kung pano mo siya tawagin ng sweet Lucy?” at halata na hinahamon nga ni Lucian si Magnus.Napangiwi naman ako. Parang biglang tumakbo sa isip ko ang eksenang tinatawag nga ako ni Magnus ng tulad ng tinawag sa akin ni Lucian.“Ehem,” napatikhim ako para mawala ang tila bumara sa lalamunan ko sa naisip ko. “Let’s go.” saka ko muling niyaya si Lucian na umalis na.Nalampasan ko na ulit sana siya ng inabot niya sa akin ang
더 보기