Pagkaalis nina Lily, Grace, at Mia...Muling bumalik sina Elisse at Chloe sa rest area.Nasa ibabaw pa ng mesa ang ilang plastic bag na dala nila mula sa palengke.Isa-isang inilabas ni Chloe ang mga laman nito."Ang dami talaga."Napailing siya habang inilalabas ang dalawang tray ng itlog."Kahit hindi ko naman planong bumili nang ganito karami."Natawa nang mahina si Elisse."At least po, hindi na kayo mamamalengke agad.""Sabagay."Kinuha ni Chloe ang mga gulay.Tinulungan naman siya ni Elisse na ayusin ang mga ito sa refrigerator.Ilang sandali silang tahimik na nagtrabaho.Si Chloe ang nagsasalansan.Si Elisse naman ang nag-aabot at nag-aayos ng mga rekado.Hanggang sa tuluyang naging seryoso ang mukha ni Elisse."Tita...""Hmm?""Paano po ba kayo napunta sa kamay ng mga lalaking iyon"Bahagyang natigil ang kamay ni Chloe.Nakahawak pa siya sa isang lalagyan ng itlog.Makalipas ang ilang segundo...Napabuntong-hininga siya."Elisse...""Naalala mo pa ba 'yong lalaking naikuwento
Read more